Tuesday, September 23, 2008

Bili Ko Boto Ko

Kapag bumibili tayo ng isang bagay, bumoboto tayo para sa produktong yon. Ang pagpili natin ng isang brand ay pagsuporta din sa enterprise na nasa likod nito. Gusto kong ilista sa blog na'to ang lahat ng mga binili at binibili ko at tingnan ang dalawang bagay. Una, ano ang nasa likod ng produktong pinili ko at pangalawa, ano naman ang alternatibong hindi ko pinili, at ano rin ang nasa likod ng mga ito. Pagkatapos ng prosesong ito, maglalagay ako ng synthesis na sana ay magbigay sa akin ng mas malawak na sipat sa ginawa kong pagbili.

Naitulak ang blog na'to ng post ko sa YosiBreak, na itinulak din naman ng nakita kong pahina sa internet:

Never again, will I buy products without thinking of the consequences of my act of buying. During the presentations that I gave in various schools and organizations, I often tried to promote fair trade and explained how to be a responsible consumer. "To buy is to vote." From now on, every time I buy a product, whatever it may be, I will ask myself the question ,"what kind of enterprise am I supporting ?" - Ludovic Hubler
(Bili Ko Boto Ko)